POEM FOR FATHER'S DAY
By Edna Fuentes - Dela Fuente
[In Filipino Language]
Ating mga ama ay haligi ng
tahanan
Nagsisikap punan
ating mga kailangan
Handog ay pagkain sa
hapag-kainan
Gutom at uhaw natin ay natutugunan
Buong maghapon si
Itay ay kumakayod
Nagbanat ng buto di
alintana ang pagod
Responsable sa
pamilya, hanap-buhay na lubos
Pag-aaral ng anak
hangad maitaguyod
Si Itay ay patuloy sa
pagsuporta
Sa lahat ng anak at buong
pamilya
Bubong na silungan,
tahanan na masaya
Ang kanyang nais na maialay sa tuwina
Sa kabila ng pagsubok
matatag si ama
Pasan niya'y suliranin ng buong pamilya
Pilit na itinaguyod
sa abot ng makakaya
Kailanma’y di sumuko
sa alin mang problema
Salamat sa Maykapal
na gumabay kay ama
Kaya sa mga pagsubok
nagtagumpay siya
Naiahon sa hirap ang
buong pamilya
Ngayo'y mga anak maayos at masagana
Sa araw na ito'y ating
ipagdiwang
Kadakilaan ni Itay at
kanyang kabutihan
Magbigay pugay sa
kanyang kabayanihan
Tularan ang kanyang
mabuting huwaran
Lubos na pasalamat sa Diyos
na Maykapal
Sa lahat ng tugon sa
ating mga dasal
Mabait na ama na may pusong banal
Pananalig sa Diyos sa ati'y ikinintal
