POEM FOR MOTHER'S DAY

 By Edna Fuentes - Dela Fuente

Leonor Fuentes - the mother of Edna & Paul
[On the left, partly hidden is Merlita Villaflor, cousin of Edna; on the right partly hidden is Angelina Ocsabe, Aunt of Edna & Paul]

[In Filipino Language]


Ating mga ina ay ilaw ng tahanan

Nagsisilbing gabay sa ating kamusmusan
Aruga sa mga supling pinagsusumikapan
Pagmamahal sa anak di kayang pantayan

Mga sakripisyo at pagpapakasakit
Hinarap ni inay anumang balakid
Tinitiyak mga anak ay ligtas sa panganib
Upang mga pangarap abot-kamay makamit

Salamat sa Maykapal na sa ati’y nagkaloob
N’yaring ating ina na may mabuting loob
Mapagmahal, maalaga sa anak na irog
Hirap at pasakit pilit tayong 'tinaguyod

Sa araw na ito'y ipagbunyi't ipagdiwang
Kadakilaan ni ina ng ating tahanan
Walang kapantay na kaligayahan
Ihandog sa kanya mula sa kaibuturan

Sa kanyang pagtanda tayo’y maging gabay
Pag-aruga sa kanya'y gawing walang humpay
Habang siya’y kasama pa sa ating buhay
Dalisay na pag-ibig ipadama kay inay

Salamat Panginoon Kristo Jesus. Amen.



Most Talked About

NEXT PREDICTED EVENT THAT WILL HAPPEN ON EARTH